Pagtataguyod ng ingklusibong paglago pagkatapos ng pandemya
Ang pandemyang COVID-19 ay nagbigay-liwanag sa mga umiiral na kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan sa buong mundo. Ang sosyo-ekonomikong epekto ng pandemya ay lubos na nakaapekto sa mga kababaihan, kabataan at MSME, habang lubos na dinidiskaril ang pag-unlad na ginawa sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay para sa mga grupong ito. Isinaad ng Secretariat ng APEC na ang pagtataguyod ng ingklusibong paglago ay napakahalaga sa pagtitiyak na “ang rehiyon ng Asya-Pasipiko ay matatag sa mga pagkabigla, krisis, pandemya, at iba pang mga emerhensya [sa hinaharap].
Mga gabay na tanong:
-
Ano ang anyo ng ingklusibong pagpago pagkatapos ng pandemyang COVID-19, para sa mga MSME, kababaihan at kabataan, bukod sa iba pang mga grupo na bulnerable sa aspetong sosyoekonomiko?
-
Anu-anong patakaran at hakbang ang pinakamahusay na sumusuporta sa ingklusibong paglago ng ekonomiya para sa mga grupong ito?
Konteksto
1. Mga pinagtutuunang solusyon para sa mga katangi-tanging pangangailangan
Isang mahalagang kasangkapan para lumikha ng mga pinagtutuunang solusyon para sa mga MSME ang pagkolekta ng magkakahiwalay na impormasyon at datos na nagtatala ng mga espesipiko, katangi-tanging pangangailangan ng iba’t ibang grupong pandemograpiya, kabilang ang mga kababaihan, kabataan, at negosyong nakabase sa probinsya, bukod sa ibang mga grupo.
Kabilang sa pinakamahuhusay na gawain para sa pagkolekta ng datos ng MSME ang mga sumusunod:
-
Tiyakin na ang datos ay magkakahiwa-hiwalay ayon sa mga indibidwal na salik na pandemograpiya, kabilang ang kasarian, edad, edukasyon at etnisidad upang matasa ang mga pangangailangan ayon sa demograpiya sa negosyo.
-
Tiyakin na ang datos ay magkakahiwa-hiwalay ayon sa mga katangian, kabilang ang laki ng negosyo, sektor, industriya, pormal na katayuan at lokasyon ng punong-tanggapan, upang matasa ang mga pangangailangan ayon sa mga salik na pangnegosyo.
-
Mangolekta ng datos ng MSME sa pakikipagtulungan sa mga on-the-ground na gumaganap sa negosyo na pamilyar sa kalakaran ng MSME.
-
Tiyakin na makukuha ang datos at magagamit sa mabisang paraan ng iba’t ibang antas ng pamahalaan, upang mapag-ugnay-ugnay ang mga patakaran at batas tungkol sa mga MSME.
-
Isama ang magkakahiwa-hiwalay na datos bilang panukat o pamantayan para sa pagpopondo sa pagpapaunlad ng negosyo o mga gawad, upang gawing mas may ekidad ang mga gawad na ito. Ang pagkakaroon ng datos na ito ay makakatulong sa mga nagpopondong ahensya na maipakita ang kanilang pangako sa dibersidad at ingklusyon sa paraang kwantitatibo at kwalitatibo.
Ang aming katuwang sa pananaliksik, ang Kai Analytics, ay nagbabahagi rin ng pinakamahuhusay na gawain sa pagdisenyo ng survey at pangongolekta ng datos sa pamamagitan ng mapagkukunan na ito.
2. Pagbuo ng mas tumutugong imprastruktura at suporta sa MSME
Ingklusibong paglago pagkatapos ng pandemya ay dapat kabilangan ng may ekidad na pag-access sa imprastruktura ng negosyo, kabilang ang pisikal at digital na imprastruktura, kung isasaalang-alang ang kasalukuyang pagpupursigi upang magsa-digital. Kabilang dito ang may ekidad na pag-access sa internet, mga device, mga inobatibong teknolohiya at software.
Dapat tiyakin ng mga pamahalaan ng APEC ang may ekidad na pag-access, partikular na para sa mga negosyong nakabase sa probinsya na karaniwang may mas kaunting pag-access sa internet at iba pang mga pangangailangan sa imprastruktura. Halimbawa, sa aming on-the-ground na pananaliksik sa Peru binigyang-diin ang pagkakaiba sa mapagkukunan sa pagitan ng mga sentro sa kalunsuran at probinsya, kabilang ang pag-access sa imprastruktura ng internet, pati na rin ang mga pisikal na serbisyo ng pamahalaan at mga mamimili.
Ipinakita rin sa datos ng survey ang mga kalakarang batay sa kasarian pagdating sa pag-access ng MSME sa imprastruktura at suporta. Ipinapahiwatig ng mga natuklasan mula sa mga pambansang survey na ang mga negosyanteng kababaihan ay maaaring mas nahihirapan sa pag-access ng mga sumusuportang serbisyo, gaya ng networking at mga pinansyal na serbisyo, kumpara sa kanilang mga katrabaho at kasabayang kalalakihan.
Mahalaga na ang mga umiiral na imprastruktura at sumusuportang serbisyo ay makuha ng mga MSME, gaya ng platform na mga Go Negosyo Center sa Pilipinas at Emprendedor Peruano sa Peru, tumutugon sa mga partikular na pangangailangan ng iba’t ibang grupong pandemograpiya ng mga negosyante, pati na rin ng mga MSME ayon sa kanilang laki at iba pang mga salik.
Ang pagkolekta ng datos ay magiging mahalaga tungkol sa pag-aakma ng imprastrukturang ito tungo sa kasalukuyan at umuusbong na mga pangangailangan ng iba’t ibang MSME. Nagdadagdag din ito ng kalinawan sa dibersidad at pagkakapantay-pantay sa kung paano pinopondohan ang mga proyekto ng mga pampublikong programa.
3. Mga grassroots na samahan para sa mapapanatiling paglago
Upang mahikayat ang pangmatagalang mapapanatiling paglago para sa mga MSME sa mga ekonomiya ng APEC, mahalagang itaguyod ang mga intensyonal na samahan at kolaborasyon sa pagitan ng pamahalaan at on-the-ground na gumaganap sa negosyo. Ang mga samahang ito ay makakatulong sa pagtitiyak na ang mga patakaran, pananaliksik, pagpoprograma at iba pang mga pakikipagtulungan sa mga MSME ay binibigyang kaalaman ng mga lokal na gumaganap, pagtugon sa mga pangangailangan ng mga MSME, at mapapanatili sa pangmatagalan.
Kabilang sa pinakamahuhusay na gawain para sa mga kolaborasyon sa mga gumaganap sa grassroots ang:
-
Isang malinaw na ideya ng paksa at layunin ng kolaborasyon, at mga tungkulin at responsibilidad ng mga nakikibahaging panig.
-
Ang samahan ng mga gumaganap sa grassroots ay dapat maging intensyonal, ibig sabihin, ang mga pinipiling katuwang, disenyo ng proyekto, mga layunin ng kolaborasyon, at iba pang mga salik ay dapat sinasaliksik nang mabuti at binibigyan ng kaalaman ng mga katuwang.
-
Ang mga katuwang na grassroots ay dapat magkaroon ng ahensya at ganap na pagmamay-ari sa kolaborasyon, disenyo ng proyekto, mga kinalabasan, at iba pang mga aspeto ng kolaborasyon.
-
Ang mga samahang ito, habang madalas na tinatampok ang mga pangmaikling-panahong proyekto, ay maaaring bigyang-diin ang mga pangmatagalang pananaw at plano ng pagpapanatili na isinasaalang-alang ang kung paano ang gawain at epekto ng kolaborasyon ay maipagpapatuloy pagkatapos ng proyekto.

Bukod dito, ang mga asosasyon ng negosyo ng MSME ay mahahalagang daan din sa pagtataguyod ng networking at pagbabahagi ng kaalaman sa mga nakikibahaging MSME. at na kumikilos bilang mga tagapamagitan sa pagitan ng mga MSME at pamahalaan sa ngalan ng mga negosyante.
Halimbawa, ang mga kolaborasyong ito ay maaaring bigyang-diin ang layunin ng pagtamo ng mga pangmatagalang pagpapanatili ng kapaligiran sa mga MSME. Ipinakita sa aming pananaliksik na survey sa bansa na ang karamihan sa mga tagasagot sa bawat pokus na ekonomiya ay isinasaalang-alang ang pagpapanatili ng kapaligiran bilang isang pangamba para sa modelo ng kanilang negosyo.

Maaaring hikayatin ng mga pamahalaan ng APEC ang mga MSME na magpokus sa pagpapanatili ng kapaligiran sa pamamagitan ng pag-uutos ng mga mapapanatiling gawain sa negosyo sa mga modelo ng negosyo ng mga MSME, at pagbibigay sa mga MSME ng mga kasangkapan at pagsasanay upang makamit ang mapapanatiling paglago, gaya ng pagpopondo at mga gawad batay sa mga mithiin sa pagpapanatili at pinakamahuhusay na gawain, mga programa ng pagsasanay para sa pagpapanatili, mga kolaboratibong ekosistem, at crowdsoursing ng mga app at platform na nagpapadali sa mga gawain ng pagpapanatili.
Mga Inirerekomendang Patakaran
-
Magkakahiwa-hiwalay na datos ng MSME: Ang magkakahiwa-hiwalay na datos ay dapat mapanatili at mapalawak upang maunawaan nang mas mabuti ang mga epekto sa MSME, kabilang ang iba’t ibang epekto ayon sa nag-iiba-ibang industriya, laki ng negosyo, at pormal at hindi pormal na katangian ng mga negosyo. Pagkatapos ay kinakailangang madalas na isama ang datos na ito bilang panukat o mga pamantayan para sa pagpoprograma at pagpopondo ng pamahalaan.
-
Kilalanin at bigyan ng insentibo ang mga epektong hindi pinansyal: Kilalanin ang mga mas malawak na epekto ng mga MSME sa kanilang mga lokal na komunidad, gaya ng pagkakaloob ng pinansyal na kaalaman, pagsasanay sa pinakamahuhusay na gawain sa kanilang industriya, at pamumuhunan sa lokal na imprastruktura at edukasyon.
-
Mga ingklusibo at mapapanatiling modelo ng negosyo: Lumikha ng mga ingklusibonh modelo ng negosyo na nagpapahintulot sa mga MSME na magtransisyon sa ekonomiya pagkatapos ng pandemya sa pamamagitan ng inobasyon, pag-aakma at pagnenegosyo. Dahil ang mga MSME ay isa sa mga pangunahing nagpapatakbo sa paglago sa rehiyon ng APEC, ang mga mapapanatiling pangmatagalang gawain ng APEC (hal.: mga istratehiyang ingklusibo sa kasarian at kabataan) sa mga istratehiya ng negosyo ay mahalaga.
-
Imprastruktura at suporta para sa MSME: Upang matiyak na may pagkakapantay-pantay, ang lahat ng MSME ay dapat magkaroon ng access sa mga pisikal na imprastruktura at sumusuportang serbisyo, kabilang ang mga nasa probinsya at malalayong lugar, at sa mga hindi pormal at hindi napapamahalaang industriya.
Mga Nauukol na Patakaran
2040 Putrajaya Vision: Ang gumagabay na pananaw ng Secretariat ng APEC na nagbabalangkas ng mga priyoridad nito para sa ingklusibong paglago.
2030 Agenda for Sustainable Development: Ang adyenda ng United Nations hanggang 2030 na nagtataguyod ng ingklusibo at mapapanatiling paglago.
Sustainable Development Goal #8: “Itinataguyod ang napapanatili, ingklusibo at mapapanatiling paglago ng ekonomiya, buo at produktibong trabaho at disenteng trabaho para sa lahat.”
International Labour Organization SME Unit: Itinataguyod ang paglikha ng mas marami at mas magagandang trabaho sa maliliit na negosyo at negosyong medium ang laki na nagpopokus sa limang pangunahing larangan: mga kasanayan sa pagnenegosyo at pamamahala, produktibidad at mga kalagayan sa trabaho, pagsasapormal ng negosyo, access sa mga merkado, at pagpapahintulot ng reporma sa kapaligiran.